Ako sa Dubai1

Buhay OFW...

Karamihan sa atin, pag sinasabing galing abroad or nagtrabaho abroad mapera na, ''depende po sa kung anong klaseng trabaho or sa qualification mo! kc kung Engineer ka nga naman or Doctor tas nakapagwork abroad ai maari ngang mapera ka!'' yan ay depende din sa kung papano ka mamuhay, I mean yong ''Lifestyle''.
Saka depende din sa pamilyang naiwan kung gaano kataas ang pang unawa nila.

Haaaayyyyy ,,Pang unawa- ang unang dapat meron sayo at sa pamilyang naiiwan mo.

let me give an example, sarili ko para mas makatutuhanan!!!

........

Nakipagsapalaran ako sa Dubai since November, 2013  baon ko ang lakas ng loob saka pangarap ko sa amin ng pamilya ko saka sa amin narin ng anak ko (Single parent nga pala ako guys) 1 month tourist visa di talaga sapat para makahanap ng trabaho knowing na di naman ako degree holder, experience ko sa pinas di din naman ganon kadami at katagal kc contractual so mostly 6 months lang talaga. Ginawa ko inayos klng CV ko nagsinungaling ako sa mga experiences ko bahala na basta alam ko kung ano ang inilagay ko ng madali kung masagot during interview.

After 4 months talaga bago ako nakapag hanap ng stable na trabaho na binigyan ako ng 2 years visa yon yong sa company na pinagtatrabahoan ng kapatid ko. They hired me kasi uuwi na kapatid ko for good!, so ako ang ipapalit.  Natuwa naman ako, kasi dina ako ma e stress saka alam ko na din kung ano work ng ate ko kaya okay lang, stepping stone kumbaga.  2000AED a month/ 10-12 hrs duty/once a week off. oh diba?bongga!

Nong umuwi na kapatid ko don na nag umpisa ang hirap ko, iba kasi talaga pag dalawa kayo, pag may kapatid ka kasi feeling mo okay lang kasi dalawa kayo, magaaway man kau minsan kayo parin naman ang magtutulungan. Iniwan ako ng kapatid ko sa mga kaibigan niya na parang naging family kona din. Pero syempre dika naman nila obligasyon nanjan sila para gabay lang saka kasama.

Pagmag isa kana talaga don ka matututong maging matatag para sa lahat lalong lalo na sa sarili mo. Yong sahod ko nakukuha kona ng advance, minsan kulang pa kasi nga nauuna ang utang may mga responsibilidad pa.
Di madali kasi hindi ka lebre ng bahay, need mong kumain at mamasahe tas bayad utang saka padala pa kaya walang naiipon hanggang sa natapos ang buong contrata ko hirap at walang wala pa din ako, ang masakit pa non yong pamilya mo sinsabihan kang di naman enough yong padala mo! saka parang ang bilis nilang makalimot na nagpadala ka ng malaking halaga ng nakaraan which is need mong bayaran sa susunod, tuwing katapusan kalang ma me message tapos pag tawagan mo instead na kumusta bayarin yong mapag usapan, mga gastusin nila at minsan mauwi pa sa sumbat na minsan maiisip mo pamilya koba to?inisip nila ang dali ng pera saka may pera ka palagi dahil tuwing hihingi sila dika pweding tumanggi.

Pagnaiisip ko yong mga panahon na yon ngayon kung pano ko na survived yon nasasaktan ako saka naluluha pero those made me stronger saka okay na man na sila ngayon masaya nako.
 I will let you know why it seems so difficult for me to survive that time.
  1. Iniwanan ako ng kapatid ko ng 3k AED na utang na may tubo na 10 percent gastos nya daw yon sa pag kuha nya sakin.
  2. Tapos kinuhanan nya pa akong 1k dirhams advance sa sahod ko.
  3. May balance or bill pa sya babayaran sa isang telecom company.
  4. Bayad ko ng bahay
  5. Pang kain at pamasahe ko
  6. Bili ko pang toiletries ko
  7. Padala sa pamilya
Sa 2000 dirhams dko nga alam pano yon natapos at nai survived ko sarili ko eh minsan may emergency pa na kailangang magpadala ng malakilaki agad agad kaya utang ulet with interest. Diba ang hirap?tas iisipin nila na mapera ka kasi nga pagnahingi sila meron agad di man nila naiisip na utang mo yon so sa sahudan need mong bayadan may minsan pa na twing magsasabi kang ganito or ganyan yong hirap mo ba e share mo man lang dipa sila naniniwala at minsan sasabihan ka pang gawan mo ng paraan. Kaya minsan iyak kana lang.

Masakit na mahirap na masaya din minsan kasi pag nakapgpadala ka ng malaki maganda maririnig mo. Makakauasp mo ng ayos anak mo tas makakarinig ka ng maganda, na okay sila lahat     sarap sa pakiramdam parang nakakagaan ng bigat saloobin, saka alam mo yong feeling na okay ka kahit sobrang hirap na?.

Pinagdasal ko palagi na sana maintindihan nila ako at sana din ma realize nila ang hirap ng abroad, yong kahit dugo ilong mo at nahihilo ka papasok ka kasi kailangan, yong may lagnat ka kailangan mo pa ding pumasok!

Tapos pag minsan naman, nakakapag off ka at naka pag unwind, aba! kwestyonable pa nila! nakakain kalng hg masarap at nakabili ng bagay na gusto mo tas post syempre sa social media ayon madami kna mababasa sa comment as usual family mo, sasabihin buti ka jan nakakapagganyan samantalang kami dito ganito ganyan or minsan aba!gala kalang ng gala ah parang wala kang anak !. 

Alam mo yong minsan lang na maging masaya ka saka ma experience mo man lang ang buhay na nasa isip  mo bago nag abroad?kahit kabaligtaran sa naranasan mo?

Yong pag popost sa FB di naman halos lahat pang inggit or pang pampam lang, minsan nagpopost ka ng pictures yong natuwa kalang at need mo e share, yon bang pagdating nag araw makikita mo at maalala mo na ai nakapunta ako dito at nakakain ako ng ganito noon.

Minsan na mimis judge ng tao or kamag anak mo yong post mo, kala nila  nagyayabang ka or family mo iniisip palagi mo ginagawa at yong sinasabi mong rason na dika nakapagpadala ng malaki or dika nakapagpadala  dahil nagbayad utang  ka eh don muna ginastos lahat at nagsinunagling or pinagdamutan molang sila!Nakakaloka diba?! sa lahat ng bagay ikaw pa ang masama.

Kaya minsan mas pinipili mo na di nalang muna tumawag or mag message kung alam mong wala kapang maibigay, kahit sobrang miss mona sila lahat.? Alam mo yong ganong feeling?

Di lahat ng nasa abroad pareho ng naransan ko pero karamihan sa amin😐, diko din sinasabi na lahat ng pamilya ai pare pareho, may pamilya na ganon sa umpisa pero kalaunan naiintindihan kana nila..Family will always be your family kaya kahit sa lahat ng sakit at di pag kakaunawaan nananaig parin ang dugong pamilya.

Haaayyy, buhay ofw di ganon kadali pero mamadaliin kana para matapos na ang UNANG KABANATA sa estorya ng BuhayDubai(OfwStory)



Comments